GameIndustry.ph

Search results

  • Enter a query above to search for article titles.

Visited articles

    You currently have not visited any articles yet.

Audition Next Level Frequently Asked Questions

Written by: Audition Philippines team
Publication: Audition Philippines website
Date published: Circa October 2017

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

1. Ano ang Audition Next Level?
Ang Audition Next Level ay isang upgraded game version and new server which has a lot to offer. Kabilang na dito ang new game features, new anti-hack security. Pwede narin mag login using fb login at Playpark ID.

2. Ano ang makukuha ko kapag nag link ako ng account sa PPID?
Kapag ikaw ay naglink ng account from LU Play to PPID, you will get a loyalty welcome package from Audition PH Team at the same time makakalaro ka din sa new server Audition Next Level.

3. Ano ang mangyayari sa existing server at sa LU Play account before and after ng paglipat namin?
Ang inyong LU Play account ay maari parim magamit sa old server. Kami ay maglalabas ng iba pang details sa mga susunod na announcement regarding dito. Para narin sa seguridad ng inyong mga accounts, pinapayuhan namin ang lahat na magpalit ng inyong password at iba pang mga importanteng detalye ng iyong account sa paglipat sa Playpark ID.

4. Paano kami makakapaglaro sa New Audition Next Level? Ano ang account na kailangang gamitin?
May dalawang paraan para ikaw ay makalaro sa New Audition Next Level. Ito ang mga sumusunod:
- FB Login – Kailangan lang i-allow ang Playpark Authentication app sa inyong fb account.
- Playpark ID – Para sa guide kung paano gumawa ng account, check ang link na ito.

5. Meron akong existing Playpark ID, pwede ko bang i-link yun sa LU Play account ko? Kailangan ba na same username sila?
Kung kayo ay may existing Playpark ID, maaari parion ito i-link sa inyong LU Play account. Kinakailangan lang na basahin maigi at sundin ang bawat steps sa pag-link ng account from LU Play ID to Playpark ID. Hindi rin kinakailangan na same account username ang gagamit at siguraduhing na secure nyo rin ang inyong mga account.

6. Kailan magsisimula ang account linking from LU Play to Playpark ID?
Magsisimula ang account linking sa darating na October 12, 2017 at 6AM at inaasahan na matatapos ito sa December 12, 2017 6PM.

7. Paano ang mga naiwan naming na EP/LOAD sa aming mga account? Magagamit ba ito kapag nasa Playpark ID? Hanggang kaylan po ito pwede gamitin?
Ang mga naiwan na EP ay masasama o ma-carry over sa Playpark ID. Siguraduhin lang na secure ang inyong account at walang may ibang access nito.

8. Saan at paano kami mag-top up ng EP sa Playpark ID account namin?
Para makapag-top up sa inyong account, pumunta lang sa https://playmall.playpark.com/login.aspx at mag-login. Para sa guide kung paano mag-top up, check lang sa link na ito.

9. Mayroon akong hacked items na matagal ng nawala, possible ba na maibabalik pa ito?
Ang mga hacked items ay hindi na maibabalik.

10. Kasama po ba yung mga items naming na pwede ilipat sa new server?
Yes, ang iyong items na nasa inventory ay maisasama or maililipat sa new server except sa durational/consumables/special items/item tab. Ito ang listahan ng mga items na HINDI MAILILIPAT sa new server. Ang mga items na iniwan or naiwan sa gift box (hindi na claim or kinuha) ay hindi maisasama sa new server.

11. Yung level po ba namin sa lumang server, ganun na din po ba level naming sa bagong server?
Hindi, lahat ng accounts ay masisimula ulit sa level 1.

12. Paano po yung Ranking (FAM/CG/Solo/Couple etc.) Ganun pa din po ba?
Hindi, lahat ng players ay mag sisimula ulit sa 0.

13. Paano po yung sa Story Mode na ginawa namin?
Ang story mode ay reset din. Simula sa E1 to E2.

14. Yung couple po namin sa old server, sila pa din po ba?
Hindi na since lahat ng account ay reset to 0. Pwede nyo parin silang couple sa new server kung gusto nila. Good Luck!

15. Yung mga wrong items po namin sa ukay. Pano po yun?
Lahat ng wrong items from ukay website ay mai-process as long as mayroon kayong file ticket sa Playpark iBox.

16. Paano kaming mga International players, makakalaro narin ba kami ng maayos?
Yes, kapag ang new server ay bukas na sa public kaya ay maaari ng makapaglaro sa new server ng Audition PH.

17. Hangang kailan pwede mag claim ng welcome package?
Ang claiming ng welcome package ay masisimula November 2, 2017 onwards.

18. Paano po pag yung account ko napermanent ban, pwede pa po ba imigrate?
Hindi, lahat ng accounts na permanent ban ay hindi pwede i-migrate sa new server. Much better kung gagawa ka nalang ng new account.

Welcome to GameIndustry.ph.

This website uses cookies.

GameIndustry.ph uses cookies to improve your user experience. For a detailed explanation on what information this site uses, visit the Privacy Policy page.